Pan͠gil
Isang bagong salta sa ibang ibayo.
Tungong laya, kinamihasna'y yumao.
Kaniyang madadatnan, bungad kaya'y ano?
Pagkalabas ng tren, naglalagablab na init kaagad ang naramdaman ko e. Basang-basa na ng pawis ang damit sa labas ng estasyon. Mala-free trial ng impyerno HAHA
I resist the urge to press any button.
Ang dami kong gustong gawin pero walang ganang kumilos… Puro tulog.
Rant: Ang hirap gampanin ng gawain para sa bagay na unti-unti ko nang hindi pinanampalatayanan. Alanganin (o “nanghihina”) na baga sa paniniwala. Hanggang kailan kaya ako tatagal? Hanggang kailan ako magtitiis? At kailan ako bibigay at aalis? Nakakakonsensya kasi at baka di ko masikmura yung mga maaaring consequence na nakaabang…
Kaya napanaginipan ko si senior. Ayun pala’t gustong-gusto ko na palang bumitiw pero hindi ko masabi sa kaniya nang harapan.
Buwisit na panaginip iyan! Maaga sana akong gigising kaso in-interpret ng utak ko na spam calls ang mga alarm ko.
(On the other hand, nakapag-heart-to-heart talk naman ako kay senior… so ayos na rin.)